My Total Views! Happy ME =)

Monday, February 28, 2011

MY SWEET BIBI

I was browsing my FB page, when I saw this note from my dearest hubby entitled Chef Nani, back in August 2010. He will be late that night that’s why he asked me to cook our dinner.
Read on and I’m sure you’ll smile of Poy’s sweetness especially of those under Safety remarks=)
Thank you Lord for my wonderful Poy!
Chef Nani :) (http://www.facebook.com/notifications.php#!/notes/poy-aguilar/chef-nani-/139908276048891)
by Poy Aguilar on Wednesday, August 11, 2010 at 3:33pm

Bi eto step pagluluto mo mamaya :D
GINISANG KALABASA
Balatan at hiwain ang kalabasa into cubes na tama lang ang kapal
Sibuyas (sliced)
Bawang (pitpit)
Knorr manok or pork (1 box)
Sotanghon (konteng konte lang) ibabad na sa tubig
Paminta
Patis

1. hugasan ang kalabasang gayat na
2. igisa sa mantika ang sibuyas bago ang bawang
3. ilagay ang kalabasa at lagyan ng patis
4. igisa ng 5 minutes para magkalasa ang kalabasa
5. tubigan na at ilagay ang Knorr
6. pakuluin hanggang sa medyo malambot na ang kalabasa
7. (optional) mag ligis ng ilang piraso ng kalabasa para kumulay sa sabaw
8. pag malambot na,ilagay na ang sotanghon at tikman ang sabaw at tingnan din ang dami ng sabaw
9. pakuluin ng 2 minutes para maluto na ang sotanghon.
10. luto na! takpan at ialagay sa isang tabi :)

FRIED PORKCHOP
1. palambutin muna ang porkchop, pwedeng ibabad sa mangkok
2. kapag malambot na, budburan ng asin ang magkabilang side
3. hiwain ang porkcop para madali ang pagpprito
4. painitin ng mainit ang mantika para di dumikit :)
5. iprito ang porkchop sa tamang apoy lang
6. luto na! ibukod na ang pambalot para bukas. Hehe

SAFETY:
ü Ingatan ang talsik ng mantika
ü Dahan dahan pagbubuhat ng mga pinaglutuan baka matapunan
ü Wag susunugin, baka di mo din makain. Hehe. Joke :)
ü After magluto, manood ng tv para marelaks ka naman :)
ü PINAKA IMPORTANTE: I LOVE YOU :)

No comments:

Post a Comment